Saturday, March 8, 2008

Ang Bagong Blog ko...

Dahil kinkailangan kong gumawa ng bagong blog kasi ito ang magiging finals namin sa Computer Sciense subject ko... ito ang kinalabasan...

visit:

Monday, March 3, 2008

Nakausap ko si Big Brother!

Oo, nakausap ko nga ang aking Big Brother kagabi. Na-starstruck ako kagabi habang kausap ko siya. Nakausap ko siya sa cellphone ko kagabi buti nga at pinaunlakan niya ang pagtawag ko kasi alam kong marami siyang ginagawa.

Unang word pa lang niya na "Hello" hindi na ako makapagsalita first time ko lang kasi siyang makausap ng personal. Hindi ako makasagot agad para bang hindi ko mahanap ang mga words na sasabihin ko sa kanya. Nakakahiya nga dahil putol-putol kong makipag-usap ako sa kanya dahil hindi ko talaga alam ang sasabihin ko.

Talagang nanginginig rin ako ng nakikipag-usap ako sa kanya. Ninenerbiyos dahil noon ko lang narinig mismo siya. Amg bait ng pagtanggap ng Big Brother ko sa akin. Big Brother talaga siya.

Noong gabi marami pa sana akong sasabihin sa kanya ngunit talagang nahiya na ako sa kanya pero umaasa ako na makakausap ko ulit siya hindi lang sa phone kundi face to face na. Why not?

Big Brother kung nababasa mo man ito, alam mo na kung sino ka. God Bless Big Brother!

Tuesday, February 26, 2008

Starting Today up to March 14 will be my busiest days...

Oo, busiest days ko na ata ito this year. Imagine naman kailangan mong gumawa ng dalawang Research Paper na purong survey ang gagamitin in just this small period. Tapos isa sa Filipino at ang isa naman sa English.

Tapos being the Governor pa I need to made the Accomplishment Report and the Financial Statement of the Freshmen Class Organization...

Hirap mag-aral pero enjoy...

Ang dami pang ibang requirements... Tapos malapit na finals...

O Diyos ko tulungan mo po ako!!!

New Saints: CONSISTORY ON SEVERAL CAUSES OF CANONISATION

VATICAN CITY, 26 FEB 2008 (VIS) - At 11 a .m. on Saturday, 1 March, in the Consistory Hall of the Vatican Apostolic Palace, an Ordinary Public Consistory will be held for the canonisation of the following Blesseds:

- Blessed Gaetano Errico, Italian priest and founder of the Congregation of the Missionaries of the Sacred Hearts of Jesus and Mary (1791-1860).

- Blessed Maria Bernarda Butler (nee Verena), Swiss foundress of the Congregation of the Missionary Franciscan Sisters of Mary Help of Christians (1848-1924).

- Blessed Alfonsa of the Immaculate Conception (nee: Anna Muttathupandathu), Indian professed sister of the Congregation of Poor Clares of the Third Order of St. Francis (1910-1946).

- Blessed Narcisa de Jesus Martillo Moran, Ecuadorian lay woman (1833-1869).

Monday, February 25, 2008

Nakakatawang pagluha...

Noong Sabado nalimutan kong kunin ang Digital Camera ko na ipinahawak ko sa isang classmate ko...

Kaninang umaga sa pag-aakala kong nasa kanya yung camera tinanong ko kung nasa kanya sabi naman niya wala, kaya tinanong ko yong ibang kasama niya kung nasa kanila ba dahil magkakasama sila noon pero wala rin daw.

Pinalipas ko muna ang pag-aalala ko hanggang matapos namin ang Earth Science class namin. Inisip ko munang binibiro lamang ako. Nagtanong muli ako sa kanila pero wala daw talaga sa kanila.

Syempre iniisip ko naman kung ano ang sasabihin ko sa bahay kung nawala nga ang camera. Talagang nagtitimpi lamang ako baka ano pa ang mga masabi kong masama. Ngunit hindi raw talaga nila alam kong saan nila dinala.

Hindi ko na mapigil. For the second time sa school humagulgul na naman ako. Talagang umiyak na naman ako sa harapan ng mga classmates ko. Syempre iniisip ko nga kung ano ang sasabihin nila sa akin sa bahay dahil ang camera na iyon ay regalo ng tita ko. Muntik pa nga akong nakapagsalita ng mga Ilokano bad words sa mga classmates ko ngunit kinontrol ko lang.

Nag-walk out na lang ako sa kanila at pumunta na sa baba ng building at sinubukan kung hanapin sa mga lugar na pinuntahan nila. Ngunit hindi talaga ako makahinahon sa mga pangyayari. Pero pagkatapos ng kaunting sandali. Sinabi nila na baka raw nailagay nila sa bag ng isang classmate namin noong Sabado.

Kaya pinuntahan ko ang classmate ko na sinabi nila. Kasalukuyang nasa isang foodhouse or should we say carinderia na sila. Ang daming tao. Tinanong ko siya kung nasa kanya ang camera at sinabi niyang nasa kanya nga. Biglang napigil ang pag-iiyak-iyak ko. Napalitan ito ng ngiti sa aking mukha. Nakakatawa talaga ako kaninang umaga para akong baliw.

Syempre dahil iniisip ko namang nakapagdulot ako ng kaunting trouble sa aking isang classmate dahil sa inasal ko, alam ko naman na pati siya ay ninenerbiyos sa mga pangyayari, humingi ako nang tawad.

Kahit alam kung may kasalanan pa rin siya ng kaunti dahil siya ay responsible sa camera ko naramdaman ko sa aking sarili na mas higit na kinakailangag ako ang mag-sorry dahil inassume ko na nawala niya ang camera kahit hindi ko pa naman nalalaman ang totoo.

Niyakap ko siya at sinabing patawarin niya ako dahil ako ang nagkamali with I love you. Hindi ako nahiya kahit nasa harap pa kami ng mga tao. Kahit babae pa siya. Ngunit dahil iyon ang alam kong nararapat, ako ang may kasalanan kaya dapat lang iyon.

Napakagaan ng feeling na muli kong nabawi ang isang pagkakaibigan na muntik na sanang masira dahil sa pagkakamali ko.

Friday, February 22, 2008

Kakaibang Ministry...

Isang kakaibang ministry ang aking pinasok. Oo, kakaiba nga talaga ito. Hindi ito tulad ng mga ministry sa mga local parish... Ito ang tinatawag na web ministry. Hindi lamang ito naka-concentrate sa iisang parish ngunit ito ay para sa lahat ng mga Katoliko sa mundo.

Kahapon ko lang natanggap ang aking confirmation of appointment sa anluwage.com, isang Catholic web ministry na nagsimula bilang Tanghalang Anluwage, Inc. Nakaktuwa lang na isipin na mas nauna pa akong naglilingkod sa web kaysa sa aking local parish. Nevertheless, naglilingkod pa rin naman ako para sa Diyos at sa ating lahat sa ibang paraan nga lamang.

Ngunit masaya pa rin ako dahil sa aking kaunting gawain maaari rin akong makapag-spread sa Word. I take this as a mission given by God being a Catholic Christian and a frequent web user.

I am currently holding the position as a news writer for anluwage.com but I can also post reflections, and other things. Although it is news gathering, I should see to it that the news that I am sharing can also inspire other.

I am very to my new work for the grater glory of God.

"The new world of cyberspace isa a summons to the great adventure of using its potential to proclaim the Gospel message."

-Servant of God, Pope John Paul II on the 26th World Communications Day